How To Be You Po? Kuyang STEM
By: LloydPhD
"Wow ...Talino mo!" ,"Ang Brainy mo naman!"Ito ang common lines ng mga friends, old classmates, pinsan o kapitbahay kapag nalaman nila na STEM ka. Ano nga ba ang STEM?
Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) ay bahagi ng Academic Strand sa K-12 Program ng Senior Highschool. Ang strand na ito ay kinukuha ng mga estudyateng kukuha ng mga kursong may kinalaman sa Agham (gaya ng Doktor, Nars at Dentista) , Teknolohiya (gaya ng IT at AMT) at Matematika ( gaya ng mga Engineer at Arkitekto).Hindi lahat ay maaring kumuha nito dahil may itinakdang General Average na di baba sa 86 .
Ang Strand na ito inaasahan natin na higit sa Agham at Matematika ang pag-aaralan. Mga subjects na karaniwang iniiwasan ng karamihan sa atin. Ito ay binubuo ng walong Core Subjects ang General Biology l at ll, General Chemistry l at ll, General Physics l at ll, higit sa lahat ang masasabi kong pinakamahirap ang Pre-Calculus at Basic Calculus. Kaya advise ... Bumili na ng Scientific Calculator dahil ito ang sandata mo sa dalawang taon mong pakikibaka sa Senior Highschool.
General Chemistry l at ll
Ayon sa Wikepedia ang Chemistry / kimika o kapnayan, (pang-uri: kemikal osangkap) ang tawag sa agham tungkol sa mga elememto at kompuwesto(compound) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan.
Karaniwan nasa ideya natin na mukhang masaya ito. More on experiments at paghahalo ng mga kemikals. Pero di lang dito iikot ang buhay mo sa subject na ito. Kailangan mo din mai-familiarize kung di man makabisa ang mga chemicals at compounds lalo na yung mga nakatala sa Periodic Table of Elements. Bahagi din nito ang mga lessons gaya ng stoichiometry, Gas Laws , Periodic Table Trends, Mixture and Compounds, atbp.
General Biology l at ll
Ayon sa Wikipedia ang Biyolohiya ay isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhah at mga nabubuhay na organismo.
Karaniwan dito required ka na naka Laboratory Gown dahil madalas kayo na nasa Laboratory para sa Activities and Experiment. Gagamit din kayo ng microscopes atbp. Bahagi ng lesson ay ang Taxonomy , Plants , Cells at Anatomy. Dito pahinga ang utak natin sa mga numbers at Formulas pero bawi sa memorization.
General Physics l at ll
Dito more on formulas tayo. Magagamit natin ng madalas ang mga Scientific Calculator natin dahil puro computations. Ang mga lesson na nakapaloob dito ay tulad ng Measurement, Laws of Motion, Energy atbp. Nakaka stress ang subject na ito kaya kailangan tutok ka .
Pre- Calculus at Basic Calculus
Ang Calculus ay matematikal na pag-aaral ng tuloy tuloy na pagbabago.Sa Pre Calculus more on Trigonometry at Algebra. Ito ay preparation para sa Calculus. Habang ang Basic Calculus ay basic lang daw. Sa totoo ay mahirap talaga ito.
Sa STEM strand di kinakailangan na matalino ka lang. Kailang din na may Tiyaga, Tatag at pagpupursigi dahil ito puno ng mga mapanghamong pagsubok.
No comments:
Post a Comment