Friday, August 17, 2018

Textmate

Sabi ng Mama ko pag matataas ang grades ko bibilhan niya ako ng cellphone.

Ginalingan ko, kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na may cellphone.

Na puwede kang mag-text at may makikilala kang puwedeng maging kaibigan.

Inaayos ko ang pag aaral ko; gabi-gabi inaaral ko na ‘yung puwedeng aralin

at sinasagutan ko agad ang mga takdang-aralin ko.

Hanggang isang araw.

Nabigla ako nang makita ko sa pisara ang pangalan ko sa list ng mga top.

Nasa top 5 ako, kaya agad kong ibinalita sa Mama ko na mataas ang grado ko.

 

Tuwang-tuwa ang Mama ko.

Isang araw bumungad sa akin ang surpresang ipinangako sa akin ng Mama ko.

Pinagmalaki ko ito sa mga kaklase ko at nakipagpalitan ng number.

Masaya kasi nakapaglalaro din ako ng snake , halos nauubos oras ko sa cellphone.

Pero kahit papaano nasasabay ko pa rin ang mga aralin ko.

 

Isang araw..

Kumakain kami ng tanghalian.

(Totot totoot) tumunog ang cellphone ko.

‘Di ko muna pinansin baka kasi kaibigan ko lang na nangungulit.

Pag open ko ng cellphone ko, ang sabi.. Hi!

pwede maki-pagtextmate sayo?

Ako: Sino ka po at saan mo nakuha number ko?

0907….. Ah nakikita kita sa school, tapos hiningi ko ang number mo sa kaklase mo.

Ako: Ah. Anong pangalan mo?

At ayun na nga, dalawang linggo bago siya nagpakita sa akin.

Parang strangers nuh?

Nakakatuwa siyang katext, araw-araw ay nagpapalitan kami ng mensahe.

Minsan pa nga kinikilig ako sa mga biro niya.

At talagang napapangiti niya ako.

 

Lagi akong nagpapaload, nagtitipid pa ako upang may pantext ako sa kanya.

Tumagal hanggang sa lagi kaming magkasama, o magkatext kahit gabing-gabi na.

At biglang nagtapat siya sa akin ng nararamdaman niya, in love na raw siya sa akin 

‘Di ko alam kung ano’ng isasagot nang oras na ‘yun.

Dahil ang totoo ay may nararamdaman na rin ako para sa kanya.

Pinagbigyan ko siya na manligaw sa akin ngunit palihim lang ito.

Sapagkat pinagbabawalan pa akong magka-jowa.

 

‘Di nagtagal sinagot ko siya.

Nakakakilig, nandoon ang excitement na araw-araw gusto mo siyang makita.

Gusto mong araw-araw hawakan kamay niya at ipagmalaki sa buong mundo.

Kumakain kami ng streets food; paborito naming kainin ay kwekkwek at isaw

 

Minsan ayaw ko siyang may kasamang iba o may kausap man lang.

Dahil naiinis ako.

Simula  nang nagkaroon ako ng kasintahan.

Ay siyang pabagsak ng mga subjects ko, bumaba ang mga grado ko.

‘Di ko alam ang palusot na idadahilan ko sa Mama ko kung bakit bumaba ang mga grado ko

nang nalaman niya ang tungkol dito.

Pinagalitan niya ako, kinuha niya muna ang cellphone ko at ibabalik lang iyon

pag nagbalik na raw ang matataas kong grado.

Nainis ako sa Mama ko kasi ‘yun na lang ang nagpapasaya sa akin.

 

Natuto akong tumakas para makipagkita sa kasintahan ko.

Para makita at makausap ko siya dahi madalang lang kaming magkita sa eskwelahan.

Tanging ang cellphone ang lagi naming komunikasyon upang kami ay magkausap.

 

Isang umaga ay nagtext siya sa cellphone ko ngunit dahi ‘di ko nga hawak ang cellphone ko

ay nabasa ito ng Mama ko.

Pinagalitan at kinurot-kurot ako.

Ang bata-bata ko pa raw ay puro paglalandi agad ang inaatupag ko

kaya raw siguro bumaba ang mga grado ko.

Makipaghiwalay daw ako pero tinago ko muna iyon.

Dahil mahal ko ang lalaking nakilala ko nang dahil sa cellphone.

Tumagal pa kami ng dalawang taon.

Nang hindi ko pinapaalam sa Mama ko.

 

‘Di rin nagtagal parang nagbago na siya sa akin.

‘Di na siya katulad noon na araw-araw halos ay nagpaparamdam sa akin

Biglang nanlamig siya at hindi na ako masyadong tinetext.

Nabalitaan ko na lang na meron daw ibang babae ang kasintahan ko.

Masakit pero hinayaan ko na lang ang lahat ng iyon.

Hanggang isang araw nakita ng dalawa kong mata na totoo lahat ng sinasabi sa akin ng kaibigan at mga kaklase ko.

Hindi ko alam ang gagawin nang mga oras na ‘yun.

Pupuntahan ko ba sila para sabihinhoy akin yang kinakalantari mo!!!”

Gusto ko na lang magwala o humandusay sa lupa nang araw na ‘yun.

Pero tumakbo ako papalayo at umalis na aang upang hindi ko na makita ang mga ginagawa nila,

Napakasakit…

Ganun ba talaga, kailangang masaktan ako nang sobra?

Ganun ba talaga kailangan kong magdusa?

Nagmahal lang naman ako.

Oo, ‘di ko sinunod ang pangaral sa akin ng magulang ko.

Ito ba ang kabayaran? ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?.

Masisisi ba na nagmahal ako at nagpadala sa mga kilig at biro niya tuwing tinetext niya ako?

 

Di na ako nagpakita sa kanya.

Lumipat kami ng tirahan pagkatapos ng exam.

Ngunit bakit hinihintay ko pa rin ang text niya? Pero wala, walang text na kahit sorry man lang.

Hindi man lang niya magawang itext ito.

 

Sobrang sakit pala!

Na akala ko  ang pag ibig ay masarap sa pakiramdam; masaya.

‘Di na rin ako nagpapaniwala sa tuwing may nagtetext sa akin, agad agad ko itong binubura.

Sa pagdaan ng panahon, lumipas rin ang sakit sa puso ko.

Bumalik ulit ang dating ako na eskwelahan at bahay lang.

Subalit may isa pa ring karanasan na nangyari sa buhay ko na kailan man ay ‘di dapat basta nagtitiwala

at ibigay ang buong pagmamahal na alam mo namang posibleng masasaktan ka lamang.

Isa na namang katapusan… isa na namang kasawian.

Pero alam kong hindi ito ang katapusan kung bakit ako nasaktan.

Pagsubok lang ito at may iba pang darating na para sa akin.

 

‘Di pala dapat sumuway sa magulang, dapat habang maaga pa atin silang  sundin.

Tunay na masaya ang mainlab, masaya makipagtext at makipagkilala sa iba o makipagkaibigan.

Ngunit hindi ka pala puwedeng walang pigil at walang disiplina.

Hindi naman  masama kung susubukan mo pero habang bata pa sundin natin kung ano’ng ipinapangaral ng mga magulang natin dahil ang lahat ng iyun ay para sa ating ikabubuti.

 

No comments:

Post a Comment